Life's a bitch ;)
* Personal Blog of GEL | Seventeen 17 | Psychology student | True Green-Blooded Lasallian | Pinay | Loves to eat, sleep, eat and eat and sleep, PROUD LAZY for short. :> | I love my family, friends and of course God :') Lez be friends! :)
MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Ang ha-hot nila kase. :’> Di pa din ako makaget-over :))







RF: Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.  



Feeling pogi, amp. 



Atat magka-love life. 

Nyemas! Kalma! May bukas pa! 



Patulong na eksena. 

Patulong na eksena.

Paglabas ko, nakita natumba na yung malaking payong dun sa tanim nila Mommy. Oo, pinapayungan nila yung tanim nilang gulay. Ewan ko din kung bakit. Hahaha. Hindi ko siya maitayo, kaya tinawag ko ate ko.
Ako: Ateeeeeeee!
*no respond*
Ako: Ateeeeeeeeeeeeeeee! Patulong, please. Nalaglag yung payong, di ko maayos.
*no respond*
Ako: Ateeeeeeeee!
Siya: Oh?
Ako: Patulong ako bilis! Di ko maayos yung payong dito.
Pagkalabas niya ng pinto, saka ko sinabing..
Ako: Wag na. *tengene!* Ang bagal mo! Naiihi na ako!!!
*sabay takbo sa CR*
Siya: *hahahahahaha*
Adik amf. Nagpapatulong ka, late naman na dumating. Nyemas de pruta naman oh! HAHAHAHAHA. Kaya nga ako nagmamadali kasi naiihi ako eh. Buti di sumabog pantog ko. Putres! HAHAHAHAHA.


Pag sinabihan ka ng bata na..  

Bad yon’.

Mapapa-make face ka nalang at mahihiya sa sarili mo. Kasi bata pa talaga yung nakapuna sayo. 




Ang sarap umiyak with feelings. 

HAHAHA. Random na random eh no? Lol. Pero, bakit nga ba masarap umiyak? Lalo na yung with feelings? Eto, based on experience. :)

Ganito kasi ‘yon. May outing kami ng mga ka-block ko, kasi nga magrereshuffle na kami. :) Ayun, overnight swimming siya somewhere sa Dasma Bayan. :) So ayun na nga, after namin kumain nagdecide na din silang bumili ng alak. Oo, alak. Bakit ba? College na ako no. Pwede na, pero syempre wag lang sosobra. Eto na nga, nag-iinom na kami habang naglalaro ng spin a bottle. Hanggang sa nagsawa na kami sa paglalaro, ehd nagkwentuhan nalang kami. Pangalawang bote na ata yung nakahain, pero ayaw ko na kasi mas matapang na yun, kaya nag T-ice nalang ako. Nagkataon na yung friend ko eh galing sa break-up, nagkekwento siya samin habang naiyak na natawa, may amats na din kasi siya. Ako naman, nakaupo lang, nakikinig umiinom, hanggang sa parang napapaiyak na din ako, hindi ko alam kung bakit pero tumutulo talaga yung luha ko habang may sinasabi ako. Alam ko pa naman yung ginawa ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan. Hanggang sa may nakapansin na umiiyak na ako, nilapitan na ako ng mga kaibigan ko, tapos niyakap nila ako. Dun ko na-feel. Yung luha kong tumutulo naging iyak na nga talaga. Pagkayakap sakin ng mga kaibigan ko, dun ko lahat nabuhos ng luha ko. Alam mo yung may halong sakit, lungkot, galit, saya at kung anu-ano pa. Iniyak ko nalang lahat. Yung iyak na, hagulgol, may halong sigaw (konti), basta with feelings na iyak talaga. Ang sarap sa pakiramdam, kasi nailabas mo lahat, kahit hindi ka magsalita pero sa pag-iyak mo, bawat patak nung luha mo dala lahat ng mga negative vibes. Grabe lang eh, intense na iyak. Hahaha!

Sobrang nahiya din ako after ko maalala lahat ng mga pinaggagawa ko. Nalasing ba ako? Ewan. Siguro? Medyo? Haha. Pag naalala ko mga pinagsasabi at pinaggagawa ko nung gabi/madaling araw na ‘yon. Natatawa at nahihiya ako para sa sarili ko. Hahaha. XD

Pero, srsly. Ang sarap din sa feeling na meron kang mga kaibigan na nandiyan para sayo. Yung marunong makinig, mag-advice na kahit na paminsan minsan eh hindi mo naman talaga sinusunod. Diba? haha. Kaya ako, sobrang thankful ako kasi yung block ko nung 2nd year College, eh mababait, as in lahat sila pwede mong makausap, kaibigan mo silang lahat. Hindi basta basta nagpapabaya. Ang block na merong tinatawag na “bonding”, sa PSY23 ko talaga na feel yun ng malala. :)



Bakit ako nagiging madamot? *kung minsan 

Kung minsan, hindi ko mapigilan ang maging madamot. Kasi minsan sumosobra na. Minsan naman, wala ka lang talaga sa mood magpahiram, or kaya naman ayaw mo lang talaga ipahiram yung mga gamit mo kasi iniisip mo na baka masira nila or something and yung malala is that alam mong hindi marunong magbalik. De prutas! For example, may hiniram sayong gamit, nung pinahiram mo, maayos tapos presentable talaga yung itchura, neat kumbaga. Tapos, dumaan na yung ilang araw, buwan, taon(?) hindi pa din nababalik sayo, kelangan mo pang kunin pa talaga sakanila mismo, walang kusa magbalik, tapos pagbalik sayo ng gamit eh, Jusme! Ang itchura, hindi mo na mawari. Nakakainis lang. I mean, hindi naman sa nagmamadamot ka sa mga gamit mo, hindi naman masama sa loob magpahiram, pero sana dun sa mga nanghihiram, paki-ingatan naman po. Kung gamit mo naman kasi yung hiniram, gusto mo din naman na maayos parin pag binalik diba? So please. :)

Haaay.



Feeling na.. 

Ina-ate/kuya ka ng crush mo. Pak! Friendzoned teh, wag ka ng umasa pa. :))